2/2/06

KAY HIRAP NG HARANA

Walang nangyayari, ang hirap naman
Nadaramang patago, hindi ko malaman
Ano kayang gagawin para ikay matauhan
Pare ko, baka hindi na ako makahintay pa sayo

Tayo man ay sadyang para sa isat isa
Pero hindi rin naman natin mapatunayan dba
Dahil hanggang ngayon ay naghihintay
Mauna ka, mauna ako, tulakang walang humpay

Lumingon man ako sa kanan
Lumingon ka man sa kaliwa
Nakikita nati'y tayo lamang sa puso sinta
Ewan ko ba anong nasa iyo na wala sa kanila

Munting panaginip ang hirap maging totoo
Gustuhin ko man sabihin pero baka ika'y magbago
Natatakot naman akong mauna
Baka hindi para sa akin ang harana