4/8/05

PAG IBIG SA MALAYO

(featured on the "Random Thoughts Corner" of NewMaria)

Ang hirap ng ganitong feeling noh? Yung bang feeling na gusto mo ang isang tao o yung feeling na nahuhulog na ang kalooban mo sa isang tao at gusto mo ng ipaalam sa kanya ito kaya lang natatakot ka at baka ma-reject lang naman to...? Yan ang feeling na tinatago-tago ko ngayon. Ang mahirap pa nun kasi aside from rejection meron din minsang mas malala pa sa ma-reject... alam nyo ba kung ano yun? Well pwes, sasabihin ko sa inyo. Masakit lalo kung inamin mo sa kanya ang feelings mo at yun pala same rin ang nararamdaman nya para sayo( I know, kala nyo masaya etong feeling? Pwede pero...) kung wrong timing naman kasi ang layo nyo naman sa isa't-isa so... it doesn't really count for anything pa rin, diba? Hay naku, bakit nga ba ganito na lang palagi ang istorya ng buhay naming mga nasa ibang bansa?

Pumunta kami dito hoping our best for our future, iba sa amin napilitan lang kung baga dahil karamihan ng taong tanungin mo, "dahil good opportunity daw", yan lagi ang sagot. Swerte nga kami dahil we grabbed that opportunity at hoping na malayo sana sa tukso ng pag-ibig. But heto pa rin, hindi man ninais pero nung nagkita muli ang nakaraan, wala ng ibang inisip kundi ikaw, wala ng ibang inisip kundi tanungin ang sarili, "Why did you come back? Why did I see you again?" Minsan nga nasasabi ko sa sarili ko, sana hindi na lang tayo nagkatagpo ng landas uli, para hindi kita masyadong naiisip (big sigh!). Buhay nga naman o.. sometimes unfair nga. Kung saan pa 'tong nandito ako sa ibang bansa saka ka naman lumitaw uli sa eksena.

Pero ano ba, sasabihin ko pa rin ba sa taong yun? Nah, huwag na siguro, ayoko na syang abalahin pa, 'lam ko namang masaya sya at Im pretty sure may nagpapasaya rin sa kanya. Kaya for now, eto lang siguro ang magagawa ko, to wish you luck and lots of love. Minsan kasi maski gaano kaganda ang buhay ng isang tao kung kulang naman sa pagmamahal at saya eh wala pa ring katuturan ang lahat. Kaya sa mga kapwa kong nasa ibang bansa, kaya natin to kid! Kung may magsabi man sa inyo na "kung kayo, kayo talaga sa huli"... well payo lng ha, wag masyadong magpaniwala sa mga ganito, aminin na natin, we can't guess what's in store for us in the future.. we can only live to the present to get us to the future we dreamed of. Ayos? So wag ng magmuk-mok dyan sa tabi tabi... get your butt up and live your dream.

No comments: