7/17/05

PATUTUNGUHAN

Alam mo ba ang saya ko pagkausap ka
Nawawala lahat ng pagod ko pagkakita ko pa lang ng caller id
Ayokong sagutin dahil nahihiya ako
Pero gusto ko namang marinig ang boses mo
Ang gulo ko noh?

Bakit hindi ko na lang kasi sabihin
Kung ano mang ibig kong ipahiwatig dito
Pero hindi ko rin alam kung ano ba to
Langya ang labo naman oh.

Mas maganda na sigurong ganito lang muna
La masyadong pressure, nakakakilig pa.
Pero kung may gusto kang sabihin
Sabihin mo na please, in a way excited na rin ako
Sana totoo ang mga pangyayaring ito
Hindi lang isang munting panaginip na maglalaho.

Wag na sana akong magising sa kung ano man to
Dahil naniniwala akong may patutunguhan ang lahat
Sana magkita na tayo para matapos na ang mga tanong
Sa isip mo't akin.
Sana magkatugma ang pananaw natin.

Pero kung sakaling hindi, malungkot man ako ayus lang
Basta't mahanap mo ang kasiyahan na hinahanap mo.
Madrama, lam ko. Hayyy buhay!
Totoo na ba to?

No comments: