Alam ko ang ginagawa mo
Gusto mong suyuin ang puso ko.
Hindi ko maintindihan
Kilig na nadarama, ang saya ko naman.
Pero bakit ganito?
Bigla kang nagbago.
Dahil ba'y ako'y sadyang nahuhulog,
Takot mo'y dala ng kulog.
Sabi ng iba, katorpehan ang tawag dyan.
Oh ano ba to, pakiramdaman na lang ba tayo?
Bakit ang lalake, okey lang magpatorpe
Gusto lagi ay babae ang maunang magsabi.
Nakakainis naman pare,
Hindi ako "game" sa ganyan.
Matapos mong umpisahan
Titigil ka na lamang sa kalagitnaan.
'D mo malalaman
Hangga't hindi mo patunayan.
Baka maunahan,
Kawawa ka naman.
No comments:
Post a Comment