12/6/05

KUNG SAKALI MAN

Magiisang taon na naman
Maraming nagbago sa kapaligiran.
Wala ka na sa piling ko,
Lungkot ko'y sadyang totoo.
Pero para naman 'to sa ating puso
Ang tuksong kay gulo.

Sa huli kung tayo'y uling magkita
At ganito pa rin ang nadarama,
Baka nga tayo ay para sa isa't isa.
Wag na nating pakawalan uli pwede ba?
Dahil mahirap magiwan ng minamahal.
Sigaw ng puso ko ay tigilan na!
Harapin na ang pag-ibig baka maglaho pa.

No comments: