The class was a drag as usual. Our teacher was having a reading recital rather than lecturing the lesson to us. When the class finally ended, sinamahan ako ng mga new found friends kong sina Nj & Ice papunta ng Fedex kasi meron akong papadalang documents to my p0pz tapos sabay na lang silang umuwi sa akin tutal on the way na rin naman ang mga bahay2x nila. After Fedex, we had a snack first just to pass the time and traffic. While we were eating, nagtext si Princess na isa pa naming new found friend na wala na daw siyang class so kung ok lang na hintayin daw namin siya para sabay2x na kami umuwi. When Princess got there a few minutes later, we decided to go home na. On our way home, sympre sakay ng aking vintage VW bug, bigla na lang sinabi ni Princess na 8 yrs younger sa akin, "Mga ate, inom tayo sige na!" Muntik na ko ng ma-steer ang wheels on a different direction sa gulat ko. Tinanong namin siya bakit naman biglaan..may problema ba siya. Wala naman siyang sinabi, but she insisted na samahan daw namin siyang uminom.
Huminto kami sa isang Starmart at doon kami tumambay. Isang bot plang ng Light eh wala pang 3 minuto ata ay ubos na nya. Napatingin kaming dalawa ni Nj, na kasing age ko, sa isa't-isa pero we just didn't make any comment yet. Sabi pa ni Princess, "Nauuhaw lang talaga daw siya, pasensya na." Nag-offer ako, kung gusto pa nya, sabi naman eh, "Sige Ate, ok libre mo?" So pumasok kami ng mart uli at pinabayaan ko lang siyang pumili ng gusto nya. Aba, kabayo ba naman ang kinuha, extra strong sabay sabi na tagay na lang daw naming apat. Nung bumalik na kami sa upuan, siya na ang unang naglagay sa baso since hindi pa naming tatlo ubos ang Light eh. Hindi namin namalayang half na pla ang laman ng kabayo na ila-ilang minuto pa lang naming binili! Sa isip2x ko, "Hindi na maganda ang kutob ko." So nung nagparestroom sina Princess at Ice, nagusap kami ni Nj, na uwi na kami kasi mukhang solve na si Princess. Nung bumalik sila galing restroom, parang nagwawala na si siya at bigla na lang tong nagconfess sa amin na nakainom na pla siya before siya pumasok ng klase namin kanina ng 2 kabayo. Tinanong namin kung sino ang kasama, sabi nya siya lang magisa.
Bigla na akong nagyaya umuwi, sabi ko, "Hahatid ko na kayo dahil mukhang uulan yata." Nagparestroom uli si Princess, this time ako na ang kasama. Halos hindi na nya maituwid ang lakad nya at bigla ba namang umupo sa sahig ng CR! Sabi ko marumi dyan at tinulungan kong tumayo ang bata. Sabi niya hindi daw siya lasing, masakit lang daw ulo niya. So ayun, hinawakan ko na siya paglabas namin ng CR at dumerecho na kami ng sasakyan. Halos hindi na makalakada ang lola, nabunggo pa sa windshield ko. Nung papaatras na kami, nagwild sabi hindi pa daw siya nakakapunta ng CR, binuksan niya ang passenger seat door so bigla akong napahinto, buti na lang asa parking lot pa kami. Napsigaw kaming tatlo ng wala sa oras ng, "Princess!" Paghinto ko lumabas siya at natumba gusto na atang humiga sa daan! Dali2x siya naming tinulungan ni Nj at pinasakay uli sa sasakyan. Ayaw niya pang umuwi sa bahay nila kasi pagagalitan siya ng mom niya pagnalamang nakainom siya at lasing. So dumerecho kami muna sa bahay ni Nj, pra doon magpalamig ng ulo at magbakasakaling magsubside ang alcohol level nya. Pero mas more na atang nagwild doon. Naging very restless at uncooperative si Princess. Hanggang sa napilitan kaming iuwi talaga siya sa bahay nila bahala na kung ano mang sabihin nya kasi gabi na at grabe ang buhos ng ulan. Basa na ako at lumulusob na sa baha.
Naabutan kami ng ilang oras paikot-ikot sa subdivision nila na hindi namin akalaing pagkalaki-laki pla. Hindi niya rin alam kung asan na ang bahay niya. Ayaw niya pang ituro kasi ang sa isip niya pagagalitan siya. So we made up a lie to her mom pra lang ma save siya from sermon. Nung ilang minuto pa rin at ayaw parin nya ituro ang bahay niya at mag 8pm na, I just completely snapped! Naubos na ang pasensya ko at lalong lalo pa at mahirap magdrive sa malakas na ulan. Napagalitan ko si Princess. At yun, tumino ng konti at naituro na rin nya sa wakas ang bahay niya.
Anyway, ang reason ng storya na to kung bakit siya nagkaganon? Kasi kinuha ng mom niya ang ATM niya kasi nahuli rin siyang lasing nung last Saturday. Merong nagsumbong sa nanay niya kaya ayun. Mayaman sina Princess, hindi ko akalaing meron siya side na ganon. It goes to show na pagspoiled brat ka, mahirap din pla ang sitwasyon. Kahit konting bagay lang, prang big deal na pra sa kanila. Ayun dahil lang pla sa ATM na may lamang big amts kaya siya nagkakaganon. Buti na lang hindi ako spoiled. Haaaaiiiiiiiiiiiiii.... what an experience. Buti na lang hindi ako lumaking ganon.
No comments:
Post a Comment