8/24/07

Wake Me Up When September Ends.

Kayo ba ang taong mapagbigay, maunawain, at feeling nyo mas sobra pa ang binibigay nyong pag-aaruga kaysa natatanggap nyo? Yun bang parang taken for granted na kayo minsan? Ang unfair noh? Kun kailangan ka nya, nandoon ka, gagawa at gagawa ka ng paraan para lang maging available, pero kung ikaw naman ang may kailangan parang ang hirap pang mabigay sayo. Pero ok ka pa rin ng ok kasi naiintindihan mo naman ang sitwasyon. San ka na lang ba lulugar sa mga ganitong eksena ng buhay? Tama pa ba eto?

May tendency akong ma over sa understanding, kahit alam kong parang hindi na tama, pero since merong reason, at sa akin eh valid naman, ok na sa akin kahit na minsan sumasama ang loob ko kasi mas napapaboran pa ang iba kaysa sa akin o kaya deprived ako to deserve the same kind of treatment din. Pero hindi kasi ako sakim na tao kaya kung mga tungkol sa pamilya o mga kaibigan, hindi ako masyadong nakikialam kasi alam ko namang mas matimbang ang dalawang iyon kaysa sa akin na bagong salta lamang. Nasasabihan na ako minsan ng mga kaibigan ko na paminsan minsan hayaan ko naman daw na ako naman ang bigyan ng pansin, ng importansya hindi na hihintayin ko pa kung kelan lang mabibigay sa akin coz I'm the type of person who deserves more than that. Pero everytime na sinasabihan nila ako ng mga ganito, I just give them my usual smile and say nothing at all.

Pero napapaisip ako minsan na parang ganito na lang lagi ang papel ko, "ang umintindi."

Haii pasensya na malapit na kasi dumating ang more challenges pagpasok ng buwan ng september. Parang ayoko ng magising.

No comments: