Sometimes you can't help but love being single because this is the only status where you can see how far your charms will go and will infect others. Seriously.
Kaya minsan napapaisip ako. Tama nga ba ang matagal ng sinasabi sa akin ng aking mga kaibigan na ibang klase daw talaga ang charms ko. Eh ikaw ba naman ang binansagang "Boy Magnet" hindi ka kaya mapapaisip kung bakit nila nasabi yun? Yun ang lagi nilang description kasi sa akin nung high school at I think mapahanggang ngayon ata. Hindi ko lang naman pinapansin kasi katuwaan lang naman dahil my gawd hindi naman akong pangmodel dahil wala akong height at weight pra dun at lalo ng hindi ako magiging front page cover ng isang beauty magazine dahil ni magsuklay ng buhok ko tinatamad pako.
Pero ang pinagtataka ko lang eh bakit parang ngayong medyo mature na ang isip ko (waah mature daw o), Im starting to realize that maybe they are somehow right. I don't know how I do it, but sadyang malapitin lang talaga ako sa guys...malambing kasi akong tao atsaka walang malice lang naman sa akin ang mga pagbibiro at mga pangaasar. Kaya siguro nahuhulog ang loob ng mga guys na umaaligid-ligid sa akin, taken man yan, bigo or single din. Nasabi minsan ng bestfriend ko na Im gullible, easily trusting, kaya easily tricked din. Siguro nga there are times na I am. Kasi I give the benefit of the doubt to a person, I give chances muna kasi pano naman malalaman kung seryoso nga ang isang tao sayo eh kung binara mo na kaagad-agad db. I would rather have drama than have a dilemma wherein you're just pretending you're happy when you're miserable. I don't like, as much as possible, to pretend, I'd rather risk it to the open and get hurt by it, than pretend and just keep the hurt inside.
Daming nagtatanong, esp yung mga taken na infatuated sa kin(hmp ewan ko ba dyan sa kanila noh)...bakit daw ba wala pa akong boyfriend? Baka naman daw masyado akong mapili. Tinawanan ko lang sila hehehe at sabihing, pana-panahon lang yan. Masarap nga may special someone pero hindi naman ako nagmamadali. Atsaka andito lang naman ako very open to possibilities of a happy ending later on. At dagdag sabi ko pa sa kanila, buti nga kayo dyan eh, may nagmamahal sa inyo. Seryosohin nyo naman mga lolo! Tinatakot nyo naman ako nyan eh. Paano na lang pla kung ako yung gf nyo tapos meron pla kayong gustong iba. Grabe yan mennn.
Hindi daw kasi kapanipaniwala. Again, I just laughed.
Tigilan nyo nga ako.
2 comments:
naks naman, talgang may pinatatamaan ka nito noh? hehe. galing mo magsulat tlagang true to life hehe...more pls..
hahahaha ganun ba. ang tamaan wag magalit, cnasabi ko lng naman ang totoo =P
Post a Comment