
I was bored today so I lurked around my friendster friends' profiles and pictures. I got sick of it after (I wasn't counting or anything but) 10 profiles I guess. Most of the profiles I've gone to are my friends who are in a relationship. hahaha, now you quite know why I got sick huh. Nakakainggit ang mga pictures sobra! Sarap naman ng merong kahug, kahold hands, ka-maski ano lang... Hmmm, napaisip tuloy ako, ayun nga siguro kulang sa malungkot kong mundo. Sabi nila, those who don't have a life, blog. Ang sabi ko naman, those who don't have a special someone, blog. hehe, sympre asa bahay ka lang palagi, wala kang date or wala kang pupuntahan except kung magkayayaan ang barkada.
Nakakamiss ang may special someone. Lambingan buong magdamag na magkasama kayo. Mag-usap sa telepono maski wala na kayong sasabihin sa isa't isa, basta naririnig nyo lang ang paghinga ninyo ayus na rin yun. At hindi ka na ngayon sa magulang mo lang magpapaalam kung may pupuntahan ka kundi pati na dun sa special someone mo kung hindi cya kasama. Yung magkaroon kayo ng theme song. At yung laging may kasama ka kung saan2x. At ang tawagan na kay dami2x. Mga pet names na "Baby", "Mahal", "Ga", "Bhe", "Ling", "Tart", "Love", "Honey"...at kung ano pa dyan. Hayyy...nakakamiss yun.
Sabi nila, pusong bato daw ako kasi medyo matagal na nga akong walang boyfriend. Matagal na nga rin naman siguro. Ewan ko ba, prang gusto ko.. na natatakot naman ako. Kaya wala lang, hindi rin ako nageentertain masyado. Simula kasi ng naging prang love counselor ako, parang nakikita ko ang mga flaws ng different kinds of relationship. Magaling ako actually sa larangan ng advices. Pero ewan ko kung ako yung may problemang ganun, makakaya ko kaya? Ang iba naman, nakakarelate ako, nadaanan ko na kasi....ako ang taong malimit magkaroon ng relationship pero matitindi naman, traumatic and memorable. Kaya nga siguro naiintindihan ko ang mga iba dyang lumalapit sa akin for advice kasi I see myself in them, or I see my past boyfriends in them at yung mga kalokohan o kabutihan dulot nila.
I may come as a strong person, intimidating to some pero akala lang nila yun. I've been thru a lot of dilemmas myself and some of them were unresolved, avoided and just plainly forgotten. I'm not perfect. I just give good advices I guess. Don't be deceive by appearances. I may look naive but nothing surprises me. Kaya sometimes I find love predictable na. I have yet to find that something or someone who can bring out more of me, who can keep me at the edge of my seat and who can steer a calm running water.
Is there a man for me this 2007? Hmm...I dunno. It's quite hard to tell, I can only predict what's infront of me. I haven't yet to master premonitions. hehehe. We'll see.
No comments:
Post a Comment