Nakakasuka. Nakakasukang mag-isa. Hirap pla talaga. Hindi pareho ng dati na isang tawag o text mo sa mga kaibigan, go lets kaagad sila. Ngayon, marami ng mga valid reasons, prior commitments at kung ano-ano pa. Batong-bato ako kagabi, gusto kong lumabas kaya lang hindi ko naman pwedeng dalhin ang sasakyan kasi baka malaman ng lola at hindi na naman siya makatulog ng maayos. Ayoko lang siyang bigyan ng iisipin pa. Eh kaya bored ako sobra. Ibang moieee to ngayon, nasa bahay on a Friday night mga pips! E-congrats nyo naman ako o.. haha. Para akong loka dito. La na ngang civilization sa bahay pati pa ba naman paglabas sa gabi eh wala rin. Haiii. Sarap bumalik sa cali, at least doon, kahit mag-isa lang ako, nakakapag ikot ako kahit saan, bahala na si batman. E dito, may dapat akong iconsider lagi. E bakit pa nga ba ako bumalik dito noh?
Hindi ko pa nga nasasabi sa bestbud ko na c superman na nagaaral na ako ngayon. Sigurado pagnalaman niyang matatagalan ako dito malulungkot yun. Meron na nga siyang kutob eh. Kasi uuwi siya dito sa Pinas (bakasyon) next week, eh gusto niya akong papuntahin doon sa Cebu. Taga Cebu kasi. Eh nauubusan na ako ng reasons na medyo alanganin ako. Sabi pa niya sagot niya ang pamasahe, pumunta lang daw ako doon. Gusto ko sanang tanggapin ang offer why not db, kaya lang pano naman class ko elloow. So next week pagdating niya dito sa Pinas, maguusap kami at sasabihin ko na sa kanya. Palagay ko tatawanan niya lang ako, kasi matagal ko ng nirereklamo sa kanya ang mga bagay tungkol sa mga kung ano-ano sa buhay ko... so sa wakas nakuha ko ng e-convince ang mga parents ko na pauwiin ako dito. Hindi nga lang sa course na gusto ko pero la na akong pakialam doon. We can't always get what we want anyway.
So ayun lang. Nagkwento lang ang lola nyo.
1 comment:
id say, you're BORED. ;p
iba talaga nung college. no planning involved one text or no text all and voila ur spending time with your friends. now it seems that everybody else is busy with their lives. hello db nila alam na all work and no play makes juan a dull boy? take it easy girl, why don't you try a new hobby for those boring times. you know something to disctract you... me and my 1 cent
Post a Comment