6/12/08

Ang Buhay Amerika

Akala ng mga tao na nasa Pilipinas
kapag nasa America ka… Akala nila
madami ka nang pera. Ang totoo, madami
kang utang,dahil credit card lahat ang
gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit
mo. Kailangan mo gumamit ng creditcard
para magka-credit history ka, kase pag
hindi ka umutang o wala kang utang,
hindi ka pagkakatiwalaa n ng mga kano.
Pag wala kang credit card, ibig
sabihin wala kang kapasidad magbayad.

Akala nila mayaman ka na kase may kotse
ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili
ng kotse sa America maglalakad ka ng
milya-milya sa ilalim ng init ng araw o
kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle
o padyak sa America.

Akala nila masarap ang buhay dito sa
America. Ang totoo, puro ka trabaho
kase pag di ka nagtrabaho, wala kang
pangbayad ng bills mo: kotse, credit
card, ilaw, tubig, insurance, bahay at
iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa
kapitbahay kase busy din sila maghanap
buhay pangbayad ng bills nila.

Akala nila masaya ka kase nagpadala ka
ng picture mo sa Disney, Seaworld, Six
Flags, Universal Studios at iba pang
attractions. Ang totoo, kailangan mo
ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para
makarating ka dun, kailangan mo
namnamin ang 10 hours na sweldo mong
pinangbayad sa tiket.

Akala nila malaki na ang kinikita mo
kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo,
malaki pagpinalit mo ng peso, pero
dolyar din ang gastos mo sa America.
Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa
presyong dolyar mo din gagastusin. Ang
P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00
sa America, ang isang pakete ng
sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa
America $5.00, ang upa mo sa bahay na
P10,000 sa pilipinas, sa America
$1,000.

Akala nila buhay milyonaryo ka na kase
ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang
totoo milyon ang utang mo. Ang bago
mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang
bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig
sabihin,alip in ka ng bahay at kotse mo.

Madaming naghahangad na makarating sa
America. Lalo na mga nurses, mahirap
maging normal na manggagawa sa
Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho.
Pagdatin g ng sweldo mo, kulang pa sa
pagkain mo. Pero ganun din sa ibang
bansa katulad ng America. Hindi ibig
sabihin dolyar na ang sweldo mo,
yayaman ka na, kailangan mo ding
magbanat ng buto para magsurvive ka sa
ibang bansa.

Isang malaking sakripisyo ang pag-alis
mo sa bansang pinagsilangan at
malungkot iwanan ang mga mahal mo sa
buhay. Hindi pinupulot ang pera dito.
Hindi ako naninira ng pangarap, gusto
ko lang buksan ang bintana ng
katotohanan.

~Anonymous~

1 comment:

Anonymous said...

I'm glad this wasn't true in my case. I came here with nothing (well, aside from 300 pesos in my pocket, which was $6 dollars at that time). Even though I had a BS degree, I started at entry level jobs and worked my way to the top. Now, I have a healthy savings account (I can stop working for 2 years if I want to), my car is paid for, and I have no debt. I guess what I'm trying to say is, you can live comfortably if you manage your money well.