5/5/08

True Lab.

Nafeel nyo na ba yung sinasabi nilang, "true love"? Pwes kung hindi pa, wag magstop sa paghihintay o paghahanap nito. Coz I am telling you mga kapatid, it's worth it. D ko ma explain actually eh! Yan siguro pag totoo na ang nararamdaman ng isang tao. Totoong pagmamahal.

Yung bang mga lines na, "you sent shivers up my spine", or "you make my heart melt" eh talaga pa lang nangyayari. Bigla na lang may shock wave kang nafefeel kapag hawak nya ang iyong mga kamay, at parang halos pawisan na ang mga palad nyo at alam nyo ng mahirap magmaneho sa lagay na yan eh hala, hindi pa rin ninyo mabitiwan ang isa't isa.

Yung bang kahit ordinaryo na ang pagsabi ng "i love you" sa isa't isa pero nagagawa nyo pa ring ipa-feel sa isa na love mo nga talaga cya, at kung gaano mo pa rin ka-feel na sinabihan ka nitong matamis na phrase.

Ika nga nila, when you are "the world" to someone, or you consider someone "your world", then in-love ka na nga 'tol. Hindi simpleng ka inlab-an lang yan ha, kundi it's the real deal men. Yung bang tipong you'll accept the person not only maganda cya, cool cya kasama, gwapo cya, maporma, tantalizing eyes.. pero yung you'll accept the person's past, kung ano na cya ngayon at how you'll foresee being yourself with this person in the future. Yun mga kapatid, eh true love. Na kahit daanan ka pa ng supah sexy o yayain ka pa ng uber papa-bol, eh you wouldn't think twice of resisting any urges. Kasi you got pass it already, at wala ng ipekto na ang mga temptations na ito. Temptation will always be temptation but we always have a choice, tandaan nyo yan!

Hindi katangahan ang ma-inlove mga pipol. Ang mga nagsasabi lang nyon ay yung mga taong takot masaktan. Or takot sa "idea" ng tinatawag na "HURT." Remember, you can't achieve anything without stumbling down a few steps. So pareho lang din yun, the degree of the pain varies lang pero hai naku, nasasaktan ka pa rin noh.

Anyway, all I'm say is, I'm so much in love. Emphasis on the word, "so much."

No comments: