8/13/08

Kwento-kwento lang.

Kinakabahan ako sobraaaaahhhh!!! 2nd rotation na mamaya, 3-11pm ako sa semi-private ward. Since we haven't been used to the hospital floor kasi unang rotation ko ay delivery room na wala naman talaga kaming ginagawa doon. Eto mamaya as in talagang interaction with patients na. Phew! Not that I'm a newbie on this, pero its a different setting. Wala naman kasing ward sa states eh and the people here are well, temperamental, you never know what you gonna get - kinda people. Oh well, help me God! I'm also somewhat excited, it's a different experience once again. I don't know if the clinical instructors going to be suplada o mabait. Hopefully the latter one. Anyway, changing topic...punta naman tayo sa kwentong LOVE! hehe.

A friend of mine confided to me, sabi nya she's happy with her relationship with her boyfriend, and I can very well see naman, then all of a sudden, her "forgotten special someone" came back in her life. Someone whom she thought na parang lumipas lang ang mga feelings nila sa isa't-isa ay one day nagparamdam daw. So tinanong ko cya kung what caused the "lumipas" drama at d nila tinuloy noong may special something pa sila. Sagot nya, "wala lang, na-Cold feet".

So anyway, lumipas ang ilang months biglang nagsend ng message sa kanya ang guy, Cge ilagay na lang natin sa name na, "Racer" kasi mahilig daw to sa mga kotseng pangkarera. Nagtanong lang naman si Racer kung galit ba daw sa kanya ang friend ko. At dun na nagsimula ang pagco-communicate nila muli. Para naman daw walang nagiba. Yung feelings nila, yung "something" ni Racer sa kanya daw ay sadyang nafefeel nya pa rin. More na nga ngayon. Panay na daw ang tawag, tas yung mga simpleng kilig factors are starting to come back to her.

As she was telling me this, napa smile ako. This is from a lady who really heck love her boyfriend so much na wala ngayon dito, nurse kasi sa states. Naku na confuse cya tuloy :-) She asked how to go about with this dilemma. Although alam ng boyfriend nya kung ilang ex meron cya and all pero etong si Racer for some reason eh nakalimutan nyang ikwento man lang noon sa boyfriend nya. D nga rin nya halos maisip kung bakit d nya to namention etong topic noon. Para naman daw kasing isang lukso ng dugo lang yun. Ni hindi pa nga nya nakikita si Racer ever in her life, pero bakit ganun na lang kalakas ang feeling nila sa isa't - isa.

I told her that wala naman talagang masama dito, as long as she won't go beyond what they have right now. She has to resist the temptation for as long as she can. And also, she should weigh things, sino ba talaga ang mas lamang na "feeling" or na "something" between her boyfriend and Racer. Kasi eventhough you haven't met someone personally pero nakita mo na cya sa mga pics and you have a more or less description of his personality, ang love laging nandyan yan eh, always waiting to strike, d naman yan pinipili kung nakita mo man o wala yung isang tao. Yan ang tunay na "love is blind" meaning hindi mo kailangan makita ang anyo ng isang tao in order to love.

My friend slapped me playfully on my arm, sabi nya, mas lalo ko daw ginulo. hahaha! Abai sabi ko naghihingi ka ng advice eh, alangan namang kakampihan ko boyfriend mo, dapat fair ang pagadvice ko para makapag isip ka. She smiled, thank me and we resumed talking about other stuff.

Sadyang ang dami ng temptations. And I can very well relate to her kasi sympre malayo din ang mahal ko. But then again, as long as your relationship is strong enough, nothing will ruin it. Challenges kung baga. Minsan kasi mahirap magmahal na wala naman cya sa katabi mo. Time passes by, nakakapagod din na wala kang mabalingan ng mga sama ng loob, wala kang makwentuhan ng mga anong nangyari sa pang-araw araw mo at wala kang mayakap kapag nalulungkot ka. It's really different if his presence is just around the corner kahit pa ba you both have the luxury of calling each other everyday, d pa rin sapat yun. You get me? :-)

Kaya minsan nagkakalabu-an dahil there are just some things you can replace with just calls kahit pa man every minute yan! Siguro kahit gaano pa kahaba pasensya mo, sometimes you can't take it anymore. And it'll always result to arguements. Haaaiiiii love, sobra pa sa stimulants combined. Supper... once it triggers. You can't help it.

No comments: