ayyyyyyyy grraaaabbbbbeeeee!!!!!!!!!!!
Hindi ko na yata kakayanin ang mga pagsubok na binibigay sa akin ni Lord. I'm a woman of patience pero minsan nakakasawa na ha! Tigilan na to please. My lola's been hospitalized for almost 2 weeks na, tapos I'm having a hard time juggling school and errands in buying medicines at mga ano pang kailangang asikasuhin. Meron din namang pinapagawa sa akin ang daddy ko na kung ano-anong pinapabukas sa aking mga bank accounts. Halos lahat na yata ng banko dito eh, meron na ako. Tapos hirap pa magmanage ng pera, parang lagi na lang ata ubos, ako pa ang nagdadagdag minsan tapos pagagalitan pa ako, anak ng siopao naman talaga o! Ni halos wala na akong kinukuhang allowance eh.
Tapos dagdag problema pa ang personal life ko.
Lovelife...Kaya ayoko ng umasa sa ibang tao ng pagmamahal. Gusto ko yung kung may magmamahal man sa akin, eh yung talagang choice nya na mahalin ako, hindi yung ako pa ang aasa at maghihintay kung kelan nya to bibigay. Ayokong masanay tapos hindi pala makaya ang mga expectations ko sa love. Mahirap ako mainlove o mahulog. Kasi gusto ko kung ano ang pinapakita mo noon, eh ganun pa rin hanggang magpakailan man. Dont we all want that? need that? wish for that?
Friends...naku ha kakainis yung bf ng isang amiga ko, ako ang tinitira dahil nagaaway sila ng amiga ko eh pati ako gustong idamay leche kang alog (taga manila eh) ka! Buti na lang nirerespeto ko kaibigan ko kaya hindi ko pinapatulan yang lecheng yan! Baka makapatay ako oras na sumobra ang panglalait nya! Hindi nya pa kilala ang tunay na moieee, hindi at uumaatras to, maski lalake ka pa. Gung2x!
School...eto na lang ata ang OK at hindi pa naapektuhan (and I will try not to let everything affect this!) nabibilang ako sa isa sa mga top scorers sa buong sophomores. Yun na lang masaya na ako, kasi yun naman talaga ang inuwi ko dito, MAG-ARAL! at eto na lang ang last chance para maabot ko ang mga goals ko sa buhay. Minsan kasi sobra akong maalalahanin sa ibang tao na pnapabayaan ko na ang sarili ko.
Ganun ako kabait! Kaya ganito rin ang galit ko kapag feeling ko, wala ng natitirang konting consideration at paguunawa sa akin. Minsan naaawa nga ako sa mga taong close sa akin kasi dun ko sa kanila pinapalabas minsan. Sorry ha. Mahirap kasi ang nagiisa, hindi ako sanay na la akong maaasahan kundi ang sarili ko. Kasi ang mismong mga mahal ko sa buhay eh nagaaway pa at hindi nagpapansinan, cno kamo? ang daddy at ang auntie grace ko, away kapatid..panganay at bunso. Eh sympre sino ang kawawawa edi yung nasa gitna! AKO! kasi naman dalawa ang sinusunod ko ang daddy tapos ang auntie na close ko at legal guardian ko rin dito. Naku ha ang tatanda nyo na! haaaaiiiii kainis.
Minsan nga pagdating sa bahay, parang gusto ko na lang humiga sa kama, matulog at hindi na magising. Napapaisip ako, bakit pa ako pumunta dito kung problema lang din naman ang aabutin ko dito. Hindi na ako tinatantanan ng problema. Kahit saan binibuwisit ako! Homesick na nga ako, tapos lola ko nahospital pa, edi mas lalo ng walang tao sa bahay ngayon, wala akong makausap, wala akong makwentuhan ng araw2x... haiiii miss ko na mga kapatid ko, kahit engliserot engliserat yun at least if I need a hug binibigay nila...*crying*
Kaya tanong minsan ng mga kaibigan ko ba't lagi daw akong parating nasa labas, late na kung umuwi o lagi lang nagiinvite na kain dito, inom doon.. laging sagot ko naman "boring kasi eh" pero sa totoo lang gusto ko lang makakita ng tao, ng mga kaibigan dahil nalulungkot ako dito sa bahay, homesick tapos hindi ako sanay na walang makausap o mapakinggan. Hindi rin ako sanay na walang inaasikaso o walang ginagawa. Kaya kahit wala na akong pera, gusto ko pa rin lumabas kasi kahit papano masaya na akong makakita ng mga kaibigan. At least kahit 2 hrs o 3 hrs mawala ng saglit ang kalungkutan ko.
Matatawa at magugulat ang makakabasa nito na nakakakilala sa akin kasi hindi noticeable sa face ko na marami akong problema. Marunong kasi akong magtago, as much as possible ayaw kong mangdamay ng ibang tao. Kaya minsan etong blog lang ang only way to my true feelings.
No comments:
Post a Comment