10/31/05

IRONY OF BEST FRIENDS

"Lang'ya siya! Asan na yung magaling mong kaibigan ha? Pakisabi naman sa kanya na nasasaktan na ako. Hindi pa ba nya yan nararamdaman? Leche."

Sino ba ang laging nakakatanggap ng mga ganitong drama? Diba tayong mga best friend ng friend nating sinabihang walang hiya? Best friends/Close friends often get the hard part in friendship, especially if that part concerns relationships. Tayo ang hinahanap kapag may kadudahan. Ba't hindi na lng sila magusap? At tayo pa ang hahanapin para gumawa ng paraan na magkausap sila't magkabati.

Nandyan ka present sa araw-araw nilang bangayan, minsan naman kulitan muna bago tampuhan. Ikaw naman ay nasa likuran lang o nasa gilid, kunwaring nagtetext kunwaring patay mali at hindi nakikinig. Hirap namang gawin yun, pero pag-araw2x na lang nangyayari to, nasasanay ka na lalo pa't sanay na silang mag-away sa harapan mo. Nakakatuwang tingnan pero minsan ang sarap na nilang batukan lalo na kung ang laging cause ng away ay ang magaling mo kaibigan.

Kahit gago yan o torpe o overprotective o selosa o iyakin, still kaibigan mo yan at you can't just look at your friend all hurting inside o kung hindi naman, tanga at pinakawalan na lamang ang relationship nila.

Usually that's where your best friend instincts come to play. You try to help out diba? Sa isip2x mo, "sayang bagay pa naman sila" or "ang tagal na nila, tapos ngayon eto pa mangyayari?" So here you are trying to patch things up for them.

Minsan hindi mo na namamalayan na ikaw na ang kausap nila. Usually ang kausap mo ay hindi ang mismong kaibigan mo but the "ex" of your friend. Tulong dito, tulong doon. Sabihin sa kanyang, "ok na cya" or "nagmove on na yun", hanggang sa mga situations na you're hanging out together na. Nagiging much more closer kayo at feeling comfy!

So ang tanong ngayon? Eto pa ba'y tulong parin? O meron ng nabubuong iba? Well, there's this rule in friendship I read somewhere that says, "Best friends are not allowed to date or pursue their friends' ex." Fact or fiction? Sus, this is just pure girltalk...that rule doesn't exist at all kaya lang sympre napapaisip ka dba? Palagay na nating, the best friend is a guy then he realized that helping his friend's ex-girlfriend led him to fall for her. THINK: "Is this just pity? Naaawa ka lang ba? Pero hindi eh there's something else." THINK AGAIN: "Ano na lang sasabihin ng friend mo if he finds out that you've developed feelings for his ex? Hindi mali mali to.."

So ano nga ba? Well, usually ang nangyayari is he just keeps his feelings to himself at sympre isa pa, hindi rin siya sure sa feelings ng girl. Malimit nyang tinutukso yung girl sa kaibigan --- para ma-testing nya kung over na nga ba ang girl at nakapag-move on na. The POINT is, this act is yet another whirlwind hopeless case that IF YOU DONT MAKE A MOVE, NOTHING WILL HAPPEN. So to all who have this Best Friend role out there, don't sacrifice your feelings over something that will never happen anymore because some things are just left undone. Dont fuss about it, go and make a move! Hindi mo na problema ang kaibigan mo dahil pinakawalan niya tol eh, at kung minsan naman hindi niya narerealize na special ang isang taong pinakawalan o pinawalang bahala nya.

Your friend may be the LUCKY one to have met this special person FIRST pero your friend is the past...was the past. Kung walang nangyari sa past then there's no way for the future.

Youre the one who's with that special someone right NOW. Making all those connections. Can't you see, you're the LUCKY one afterall, for you can make a difference.

Can't you give your HEART a break and do something about it?

No comments: