kase naman your not hard to love, yan tuloy im falling fast for you, and yet im holding back kase baka ako lang naman ang nagkaka-ganito *hayyy* buhay! i think im crazy inlove with you, kaya lang you can't figure that out when we talk coz i dont want you to get the idea at baka lumaki pa ang ulo mo hehe..
kase naman, ang layo natin sa isat-isa ayan tuloy hindi ko ma-determine kung ano nga ba meron sa atin..are there sparks? or we're just contented as friends? baka hindi mo naman ako type, sus sayang lang ang pagiisip ko sayo noh, mahal na ang talent fee sa mga panahon ngayon hehe.. i know dinadaan ko lang sa tawa, dahil dyan naman ako magaling, pero lahat ng mga pinagsasabi ko ngayon ay totoo i just don't want to sound so serious about it dahil dba nga, im trying to hold it back hehe...
kase naman, i dont believe in long distance relationship. numero uno akong activist sa ganyang situations pero KARMA! at yan ata lage ang istorya ng buhay ko. tinatawanan na nga ako ng aking mga kaibigan, yung super close sa akin at alam ang mga kalokohan ko kase daw tatanda akong dalaga sa mga pinangagawa ko. hindi naman daw ako mapili, at lahat naman ng boylets na nagkakandarapa sa akin ay maayos at decent at boyfriend material naman *watever*, naiinis pa nga sila minsan at bakit daw sa akin napupunta eh samantalang hindi ko naman daw ini-entertain ng masyado at kapag hindi ko daw ini-entertain eh mas lalo pa daw naloloka sa akin... SUS mahiya nga kayo sa mga pinagsasabi nyo noh, malay ko ba at bigla na lang ganyan.
pero talaga, sa dinami-dami man nila according to my beautiful friends, im still kinda stuck with you. infatuated lang cguro ako sa yo kaya i wana find it out at luluwas ako at magiibang estado para malaman etong kalokohang ginagawa ng puso ko. kung sabihin ko namang baka malakas lang ang sex appeal mo, baka bigla pang humangin ng todo-todo at lumindol kagaya ng nangyari sa india at pakistan(plse pray for their safety nga pala)! ah basta, ang haba na ng sinabi ko dito, wala naman siguradong nagbabasa ng blog na 'to... eh bukod sa wala ng kwenta, there are better things to do, am i right? so why are you reading this again? hahaha..
kung mabasa mo man to, at feeling mo ikaw ang tinutukoy ko.. edi smile ka na lang dyan ha, at wag kanang mag-debate alam ko namang mahilig kang sumbatan ako dahil you luv making "asar" to me *english manila style pa yan ha* haha.. pero eto lang naman ay mga feelings ko, sa pagka-hopeless romantic.. or should i say hopeless case of insanity? hehehe.. ayan haba na, tulog na ako. wake me up when october ends na lang... waaahhh panis!
No comments:
Post a Comment