Hay ambot, yan lang ba ang kaya mo?
Hay naku, ewan ko sa'yo.
Sa mundong kay gulo
Wala na bang magbabago?
Corruption sa pulitika
Niloloko lang sarili nila.
Druga at mga bisyo
Leche tigilan na 'to!
Hoy tao, pasaway ka dito
Umalis at magbagong anyo
Langya ka sa buhay
Dapat sayo'y parusahang tunay.
Hay ambot, ang sagot ng mayayaman
Kayo din naman natingin lang.
Ba't di na 'to mabago?
Hindi naman tayo gago!
Sigaw ng kabataan
Tama na kaibigan!
Panahon na ng reporma
Subukan naman nating lumigaya.
Hay ambot, yan lang ba ang kaya mo?
Ganito na lang ba tayo?
Maawa naman kayo!
No comments:
Post a Comment