Panaginip nga naman
Bakit dun lang kita mahagkan
Ligaya ng puso ko'y iyong iyo
Kaya lang parang hindi naman totoo.
Kapag boses mo na ang napakinggan
Tenga ko'y abot langit kailanman
Sana kapiling kita
Sa mundo ng pag-ibig sinta.
Kelan pa kaya ang panahon
Ng tayo'y magkatagpo
Itong nadarama ko
Ibig kong ipaalam sa mundo.
Hay panaginip nga naman
Pilit tayong binibigyan
Pag-asa't katotohanan
Kiliti ng damdaming daraan.
No comments:
Post a Comment