10/8/06

Barya

Mahirap tanggihan ang aking mga kaibigan...lalo na kapag pareho sila ng day off sa trabaho. "Moieee...cge na bangon ka na dyan! Alis tayo." Kaya naman kung magyayaya sila sa telepono or sa IM sasagutin ko na kaagad kasi kung hindi, naku! bubulabugin ako dito sa bahay! hahaha. Ang kukulit.

Tanong ko lagi, "Oh bakit saan na naman tayo gagala?" at tama ba namang sagutin nila akong, "Kahit saan basta." Kaya walang saysay ang paggising ko sa umaga sa mga araw nato hehehe. So ayun, nakaabot kami ng Laguna Beach ngayong araw..dun mismo sa lugar na pinagshoshootingan ng Laguna Beach sa MTV. Ohk naman, natulog lang ako sa backseat hehe, buti na lang day off ko rin sa pagkadriver, its good to be a passenger for a change! hahaha. Maganda ang place, talagang pang mayaman. Biruin mo naman, may toll-gate pa kung papasok sa city ng laguna beach. Sosyal! Naubos tuloy ang mga coin change namin, UNPREPARED eh! hehe. Tapos leche hirap magparking, kasi sa gilid ng daan ang usong parking dun, eh metered so kailangan na naman ng change! hayyy.. naglakad pa ang isa naming kaibigan ng one block sa changing area para magpabarya! hahaha. Nasira tuloy ang kanyang beauty ever lolz.

Kaya lesson for the day, kung magbabalak kayong pumunta ng Laguna Beach or kung saan mang-elite cities, naku magbaon ng barya! Kaya naman pla mataas ang cost of living sa mga lugar nato, eh yumayaman sa barya-barya! hahaha. Dapat laging handa! Hindi kasi girl scout mga kasama ko at ako naman, laging absent sa girl scout meeting noon. hehehe! Lang kwentang blog! haha. Check out the pics na lang at my photo blog, A FEW STOLEN MOMENTS... in fairness, its worth it ha, the place was gorgeous!!! the atmosphere was different from the normal L.A. beach cities. Talagang welcome to the OC hanep! Orange County rocks.

No comments: