10/31/06

Happy Halloween

Simula ng pumunta ako rito sa tate hindi ko magets kung ano ang kinalaman ng nagdadasaang chocolate at pagsusuot ng costume sa araw ng mga patay? Bakit hindi na lang mag-imbento ng ibang araw para gawing National costume day at wag ng makisali at makisabay sa unang araw ng November?

Bagamat maraming pagpapaliwanag na akong narinig eh hindi pa rin mag-click sa utak ko..naisip ko tuloy mabagal lang ba talaga akong umintindi o talgang ayaw kong tanggapin ang mga paliwanag..o baka naman may hinihintay pa akong ibang paliwanag..

Pero aaminin ko nagkaroon ng ibang kulay at kahulugan sa akin ang araw ng mga patay..bakit noon, pagdumarating ang araw na ito,nagtatakutan na ang tao..sari-saring palabas na nakakapangilabot ang napapanood ko lalo na sa TV patrol at NGinig..hmmmmeron pa kaya ng mga yon ngayon?

Kung doon, mga white ladies at ulong pugot ang nakakasalubong ng mga tao, dito face to face kayo ni superman, wonderwoman, at iba pang superheroes na nasa komiks ko lang at sa tv nakikita noon..cute kung bata ang may suot pero yung iba..matatakot ka dahil baka maya-maya mapunit yung mga damit nila sa sobrang sikip at bakat na bakat ang mga love handles. Dito lang ako nakakita ng wonderwoman na buntis, pero at least bibigyan ko sya ng perfect 10 for guts and effort, aba mahirap suotin yon noh.

Yun nga lang sa kabila ng lahat ng ito, ano nga ba ang saysay ng pagdiriwang ng araw na ito? Sa kontekstong Kristiano nakakapagbigay ba ito ng papuri sa Panginoon? O baka naman isang paraan upang bigyang dangal at liwanag ang mga bagay na associated sa kadiliman?

Marami sa atin ang nabubulagan ng naggagandahan man o nakakatakot na costume, kasi katuwaan lang naman..pero isipin mo..dapat ba talaga itong ipagdiwang? Baka mamya ang akbay-akbay mo o ang nakaakbay sayo eh si satanas na mismo na naka-costume lang. Yun ang mas nakakatakot. Biruin mo best buddies na kayo? Tsk tsk tsk.

Sadya lang sigurong iba-iba ang paniniwala ng bawat tao sa ibat-ibang sulok ng mundo. Basta ang alam ko marami akong candies at chocolates ngayon.

(photo by Commander Blade, hehe)

3 comments:

Anonymous said...

tootbrush ka pagkatapos kumain ng sweets believe me you don't wanna be visited by the tooth fairy.
=) was reminded of Darkness Falls...

Cee said...

hahahaha! speaking of tooth fairy.. merong bata kumatok sa bahay at nagsabing "trick or treat" na dressed as tooth fairy (white tooth costume with wings) kakaiba ang cute! kaya dami akong binigay na candy sa kanya =P

Anonymous said...

enge naman ng choclits. yumyum! hehe =)moieee dearie, here's my new link. xenxa na ha.