Sarap ng feeling ng may girlfriend at boyfriend ka noh? Yung tipong may mag-aalaga at kesyo may mgmamahal "daw" Sayo. Yun bang hindi kumpleto araw mo pag di mo sya nakikita o nakakausap man lang. At ang unlimited call minutes mo eh, kulang pa sa isang tawag mo sknya. Samantalang wala nman kayong ginawa kundi magbungisngisan, at pakinggan ang paghinga ng bawat isa. Ibababa na nga lang ang telepono, ay naku! Aabutin pa kayo ng pasko dahil nagpapakiramdaman kayo kung sino ang unang magbababa.
Hindi pwedeng hindi man lang kayo mkapag-date maski isang beses sa isang linggo. Ayaw nyong Ma- Miss ang isa't-isa. How sweet diba? Oh, ayan gifted ka. Mabait gf mo. Caring bf mo. Pero bakit dumamdating na pag may nakita kang iba at basta gusto ka rin. Hala! Cge! Papatol ka!
Feeling mo IN ka? Oo, nga nman! Sayang ang kagwapuhan at kagandahan mo kung hndi mo
mapapakinabangan. Hindi ka pa nasiyahan sa isa. At nung nag break kayo ng No.1 mo eh, ang lakas pa ng loob mong sabihin na nagkulang siya. Sabay banat pa ng: " so what? Madami pang iba!"
Tibay mo tsong! Bka nman ibig mong sabihin ay may reserba ka pa?
At eto pa, Dahil nga sobra kang ma-appeal hindi ka kuntento sa dalawa. Kung pwede mangolekta, bakit hndi diba? Yung merong umaga, tanghali, gabi at meron ka pang singit na snack o merienda every after meal? Wow! Sosyal ka! Naghihirap na ang Pilipinas at ikaw eh nagbibilang pa habang yung mga taong niloloko mo ay nagpapakatanga at ang tanging alam lang eh mahalin ka.
At ng nagkabukuhan... Eh, d naiwan ka? Ngayon natauhan ka na, hahabol ka pa? Ni hindi ka kasi marunong magpahalga. Kung akala mo karma lang yan... Pwes! nagkakamali ka! Isa yang malaking katangahan!
At kung ikaw na ngbabasa nito eh, balak ding gawin yan.. Mag-isip ka. Maaring mas may pag-asa pa ang KABOBOHAN sa KATANGAHAN.
Wag lang puro porma tsong.
Malay mo, wala nang magmahal sayo dahil sa ugali mong yan.................................
5 comments:
hmmm punong puno ng galit ah..i wonder why..=)
hehe.. no comment.
some people really do not feel contented with what they have. They feel bored,unfullfilled and confused.
correct me if am wrong i think u've been betrayed. u've done all the right things,and have gotten all the wrong things in return..=)
i wasnt betrayed. i was just unappreciated.
betrayed or unappreaciated whatever the right thing you call it,still looks the same for me..hehe!
Post a Comment