ano na lang ang feeling mo kung kunwaring may taong nanliligaw sayo na type mo rin, pero hindi mo naman nakikita ang efforts nya? ikaw ba ang type na taong hahayaan na lamang yung tipong whatever happens, happens or ikaw yung tipong hindi magaaksaya ng panahon sa mga lalaking ganito?...pero gusto mo cya eh. pano na lang yan?
may nagtanong na kasi sa akin minsan nito, kung anong gagawin nya sa sitwasyong ito. she ended up letting go of the guy pero nanghinayang naman cya ngayon kung bakit nya ito pinakawalan. deep inside daw, nagseselos daw cya mapa hanggang ngayon. natatawa lang ako lagi kapag magkasama kami at panay bad words na lang lagi ang naririnig ko sa kanya dahil naiinis cya na ewan.
naalala ko tuloy yung experience ko rin tungkol dito. kaya lang yung akin naman eh naging kami talaga (ex ko na ngayon). pero malayo kami sa isat-isa. nasa ibang bansa kaya hindi rin nagtagal. ako rin ang unang tumiwalas, hindi ko kaya. sumuko ako, kaya ngayon medyo nanghihinayang parin ako kung bakit hindi ko na lang tiniis ang kalayuan. aaminin ko, nagseselos pa rin ako, sympre wala naman talagang masakit na dahilan kung bakit kami naghiwalay eh, yun lang, dahil malayo kami sa isat-isa.
friends pa rin kami ngayon ng ex ko. kaya lang, mahirap para sa akin dahil feeling ko, meron pa rin akong nararamdaman para sa kanya, lalo na't nandyan ang friendster at myspace, naku po! hindi ko halos mapigilan ang sarili ko minsan na buksan ang kanyang profile at tingnan kong anong status nya at kung cno-cno ang nagtetesti na mga gurls sa kanya. tangina!
kaya i feel for those na nasa sitwasyong ito ngayon. dun din sa kaibigan ko, naiintindihan ko kung bakit cya nagkaka-ganyan. buti nga kanya, nasa tabi-tabi lang. hindi long distance. meron din akong kakilala na parang nasa sitwasyong kagaya sa akin noon long distance sila ngayon, at 'lam ko, nahihirapan na cya. tinitiis lang nya dahil gusto nya for once in her life, magkaroon naman cya ng pag-asang hindi totoo ang kasabihang, "long distance relationship doesnt work".. lahat na lang daw kasi ng kilala nya eh hindi nga talaga naman nagwowork. isa na ako dun! hehe. so she's sticking it out. saludo ako sayo unnamed person! hehe.
payo ko lang sa inyo: wag puso lagi ang pinaiiral nyo, gamitin din ang utak. minsan kasi ayaw lang natin aminin, takot tayo mag-isa. pero it's not that bad. it gets lonely sometimes pero kung hindi talaga para sayo ang taong yan, then let him/her go. dont torture yourself. kung kayo talaga sa huli, malalaman at mafefeel nyo yan, at when that time comes, you will know what to do. in the meantime, enjoy what you have, where you are, who you are with. dont look too far, he/she might just be next to you, waiting for you to notice that they exist too.
go out on dates, hangout more, manligaw at magpaligaw...kung saan ka masaya gawin mo, experience it kasi it doesnt come to often in life. siguro naman nasa tamang edad na rin tayo para sa mga ganitong bagay. just beware of the consequences, ingatan ang puso, hindi yan basta-basta nagmamahal at minamahal ng kahit sino.
at ikaw lang ang makakaalam ng tamang panahon.
2 comments:
gaya nga ng nasulat ko minsan, "i miss him terribly"... long distance din kasi but the catch is he's not mine. maraming beses ko na ring naisipang pakawalan siya pero may nangyayaring nakakapagpabago ng isip ko. ewan ba.
kaya tama ka, mag enjoy tayo kahit na minsan sa loob loob natin there's sadness. eh ganun naman talaga ang pag-ibig di ba? may saya at lungkot.
i knw wat u mean, actually pareho kayo nung unnamed person na kilala ko, long distance, hindi naman sila parang feeling lng nila na sila kse kung umasta cla eh para nga namang sila (gets mo haha ang gulo nga)
kaya lng mahirap kse walang commitment, chickboy pa ung guy...kaya nahihirapan cya magtiwala. tapos prang ung efforts nung guy hindi nya ma feel o makita. hayyy oo nga pag-ibig nga naman talga o! =D
Post a Comment