10/29/06

Locked Out!

Kapag minamalas ka nga naman talaga o! Actually it wasn't all that bad today. Well, let me spill the good parts first. I got to hang out with my friends and we ate dinner at Elephant Bar. Tapos when the Wasalak boys finished their basketball practice, they called us up if we wanna watch "The Departed"(starring Jack Nicholson, Mark Walberg, Leonardo DiCaprio..). Sympre it was Friday night so ok ang lahat na manood. So ayun nanood kami. Ay grabe, the best ang movie sobra! Heads were blown off everywhere as in literally blown off ha and the "fuck" words spread like disease all throughout the movie, pati tuloy ako feeling ko nahawa na, fuck! At super ang haba ng movie ha, nakakaloka, kala ko hindi na matatapos eh. Buti na nga lang interesting to watch kasi all-star cast so hindi boring panoorin db.

Nakauwi ako ng bahay mga 1:30am na ng madaling araw. When I parked my car inside the garage I took off my shoes and twisted the doorknob papasok ng bahay. Fuck! Ayan talagang nasabi ko yan. Locked. Dali-dali kong tiningnan ang set of keys na nakasabit sa car keys ko. Fuck ulit. Wala akong susi ng bahay. Hindi naman naka-lock to nun. Ayoko ko na sanang bulabugin pa ang mga tao sa bahay but now I have no choice. Tinawagan ko ang telepono sa bahay. Walang sumagot. Ano na rin naman kasing oras noh! So tinawagan ko ang cel ng dad ko. Ring lang din ng ring, at nagleave ako ng voicemail. Tinawagan ko naman ang kapatid ko, usually mga ganitong oras gising pa yun, chika with friends or internet naman. Pero ring din ang natanggap ko. Abay himala! Tinawagan ko ulit baka hindi lang narinig or something, but she still won't pick up. That's great. Ilang beses kong pinaring ng pinaring ang lahat until it was time to give up. Wala 'tong pag-asa. Im totally locked out for the night. Para akong tatawa na maiinis na hindi ko malaman hehe. Naalala ko tuloy yung mga dorm days na pagdating ng 10pm eh lock na ang gate at hindi kana makakapasok ng hindi ka marunong umakyat sa pader. But... before you think na Im a bad person, teka muna, naalala ko lang na kinwento sa akin 'to ng kaibigan kong nagdorm nun, hindi ako oi! hehe.

Yes, I slept in my car. I have claustrophobia pa man ay grabe. I climbed inside the back of my car and just closed my eyes. Sabi ko sa sarili ko, 3am na rin naman. 3 more hours and my dad will soon wake up and find out his daughter has gone missing. If you tell me kung bakit hindi na lang ako nakitulog sa mga kaibigan eh kasi po, malayo ang bahay namin, we are close to the mountains na so tinatamad na rin akong magdrive pa para lang makitulog noh. In short, my brain cells are still working kasi nag isip ako hehe. Buti na lang din at wala akong boyfriend! Eh kung meron pa, edi sana katabi ko na cya sa kama nya. hahaha! Sometimes, in times like this, having one can come very handy sana. But nevertheless Im thankful, wala akong temptation ngayon. Naremember ko rin ang sabi ng aking wonderful mom nung nagkacollege pako. "Naku, kaw talagang bata ka o, bat di mo na lang gawing kwarto ang kotse mo, tingnan mo meron ka ng mga damit, tsinelas, at unan dito. Kada tanong ko sayo kung saan ang ganito, lagi mong sinasabi sa akin na nandun lang sa kotse mo." Hindi ko alam na darating ang panahon na makakasubok din akong matulog talaga sa kotse ko. Nakakatuwa ang mga magulang. Mom knows best talaga! hehe.

To make the long story more longer, around 6:30am, dad woke me up. At akalain mo ba naman ang tanong sa akin, "Oh, bat di ka tumawag?" And to think halos dead battery na ang cel ko at masakit pa ang katawan ko, yan lang ang nasabi nya sa akin. Pano na lang pala if I was in great danger, edi namatay na ang bida hehe. Hay naku buhay nga naman pagminamalas. I went up to my room and sleep again. I never realized how I loved my bed so much til today. Kaya my lesson for today: Magdala ng sariling susi sa bahay. Buwisit, sinabihan na kasi akong magpagawa ng extra house keys, kinakalimutan lang palagi. Ang galing ko talagang bata! One of a kind. hahaha.

5 comments:

keloyd said...

ganado ,ka magkwento ah onga ayus yung movie.

kath said...

gotta watch dat!
tamang tama eh half day lang today.

Cee said...

sympre, hyper pa ko ng mga time na yun, first timer kse eh. kaw ba naman maka2log sa kotse mo na nasa garahe ka naman ng bahay mo. db how sad. hahaha.

oo kathie, watch 'the departed' ganda sobra! =P

Anonymous said...

ive slept in the car lots of times because they forgot that i don't have extra house keys... well i seldom go out late that's why i don't think ill ever need my own house keys. =)

Cee said...

good for u! hehe. btw, nagpagawa na pla me ng extra key para sa kin. yippee! hehe.